Connect with us

Pagbili ng ilang guro ng ready-made research para sa kanilang promosyon, pinaiimbestigahan

Bineberipika na ngayon ng Department of Education (DepEd) ang ulat hinggil sa ilang guro na umano'y bumibili ng ready-made research papers para sa kanilang promotion at funding.

National News

Pagbili ng ilang guro ng ready-made research para sa kanilang promosyon, pinaiimbestigahan

Bineberipika na ngayon ng Department of Education (DepEd) ang ulat hinggil sa ilang guro na umano’y bumibili ng ready-made research papers para sa kanilang promotion at funding.

Matatandaang ipinanawagan ni Senate basic education committee Chair Sherwin Gatchalian sa kagawaran na imbestigahan ang naturang kaso matapos makarating sa senador ang isang facebook post kaugnay ng umano’y pag-iinquire ng ilang guro para sa ready-made papers.

“The Department of Education should immediately probe incidents of teachers allegedly buying ready-made action research papers for promotion or funding.”

“These unethical practices show lack of integrity and should not be tolerated. I am also urging the department to institute mechanisms that would thoroughly vet research output submitted by teachers.”

Kaugnay nito, iginiit naman ng DepEd na hindi nito kinukunsinte ang mga ganitong uri ng panloloko.

Sa isang pahayag, sinabi ng kagawaran na may nakalatag itong research managment guidelines na siyang nagtitiyak na ang bawat research proposals at studies ay alinsunod sa ethical standards.

Sa ilalim ng panuntunan, pinagsusumite umano ang mga guro ng tinatawag na anti-plagiarism and absence of conflict of interest declaration na isinasailalim pa sa validation ng isang research committee.

Babala ng DepEd, sinumang mahuhuling nangongopya ng research ay ma-blacklist sa anumang grant mula sa ahensya.

Habang iniimbestigahan naman ang isyu, hinikayat ng DepEd ang publiko na ireport ang anumang fraudulent research studies upang agad din itong maaksyunan ng kagawaran.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top