Connect with us

Pagbili ng hi-tech na gamit para sa surveillance sa WPS, iminungkahi sa DND

Iminungkahi ni Herrera-Dy sa (DND) at sa (PCG) na isama sa kanilang 2022 budget ang pagbili ng hi-tech na gamit para magbantay sa West Philippine Sea (WPS).

National News

Pagbili ng hi-tech na gamit para sa surveillance sa WPS, iminungkahi sa DND

Iminungkahi ni Deputy Speaker Bernadette Herrera-Dy sa Department of National Defense (DND) at sa Philippine Coast Guard (PCG) na isama sa kanilang 2022 budget ang pagbili ng ng microsatellites, smart buoys, unmanned aerial drones at iba pang hi-tech na gamit para magbantay sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ay mga cost-effective technology solutions para magmanman sa teritoryo ng bansa.

Giit nito na “Kailangan ng ating mga mangingisda ang ganitong klase ng suporta para matulungan sila sa pangingisda sa malalalim na bahagi ng karagatan.”

Matatandaan na hinahabol at tinataboy ng mga Chinese vessel sa pinag-aagawang teritoryo ang mga mangingisdang Pinoy kaya mainam na mamonitor sa pamamagitan ng hi-tech na gamit  ang nasabingt lugar.

Sa ngayon ay budget preparation na naman ng mga ahensya para sa 2022 budget.

Samantala, iniutos ngayon ni Armed Forces fo the Philippines Chief of Staff Gen. Cirilito Sobejana ang pagdagdag ng militar na magpapatrolya sa WPS.

Matatandaang, napabalita ang panghaharas ng mga sundalo ng China sa mga media saloob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.

Bukod dito, inihayag na rin Gen. Sobejana na makatutulong ang media coverage upang mamonitor ang lugar.

Dagdag pa ni Sobejana, maaring mag-escort ang mga sundalo sa mga mangingisda upang makausap ang mga sundalo ng China.

More in National News

Latest News

To Top