Connect with us

Pagbibigay ng ayuda sa mga mahihirap na Pilipino, hindi dapat matigil

Iginiit ni Sen. Sherwin Gatchalian na hindi dapat matigil ang pagbibigay ng cash aid sa mga mahihirap na mga Pilipino

National News

Pagbibigay ng ayuda sa mga mahihirap na Pilipino, hindi dapat matigil

Iginiit ni Sen. Sherwin Gatchalian na hindi dapat matigil ang pagbibigay ng cash aid sa mga mahihirap na mga Pilipino.

Ito ay kasunod ng forecast ng National Economic and Development Authority (NEDA) na nasa 18M mga Pilipino ang maghihirap sa susunod na taon.

Sa kabila ng forecast ng NEDA ay tinapyasan ng 56 % ang allocation para sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung saan mula sa P366 billion ngayong taon ay ibinaba ito sa P175 billion para sa susunod na taon.

Ayon sa mambabatas dapat ipagpatuloy ang pamimigay ng P300 pesos na monthly cash aid sa mga mahihirap sa ilalim ng unconditional cash transfer program ng Department of Education (DepEd).

Samantala, naniniwala din si Sen. Imee Marcos na dapat nakasentro sa pagbibigay ng ayuda at recovery ng mga Pilipino ang ipapasang budget.

Aniya, ang spending program ng pamahalaan ay hindi sapat para sa recovery ng bansa dahil sa mababang allotment para sa DSWD at DOH.

Kung titingnan aniya ang national budget ay parang walang pandemyang nararanasan ang bansa.

Hirit pa ng Senador na huwag maging kampante ang gobyerno  sa inaasahang  6.5 %  growth rate sa susunod na taon.

Sa kasalukuyan, patuloy namang humaharap ang iba’t ibang ahensiya sa dalawang kapulungan ng kongreso upang idepensa ang kanilang pondo para sa taong 2021.

More in National News

To Top