Connect with us

Pagbibigay ng 13th month pay, hindi maaring ipagpaliban – DOLE

Tiyak na maibibigay sa tamang panahon ang 13th month pay ng mga manggagawa.

National News

Pagbibigay ng 13th month pay, hindi maaring ipagpaliban – DOLE

Tiyak na maibibigay sa tamang panahon ang 13th month pay ng mga manggagawa.

Ito ay ayon kay Department of  Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III kasabay ng kanyang paglilinaw na hindi iuutos na ipagpaliban ang pagbabayad ng 13th month pay at hindi rin magbibigay ng exemptions alinsunod sa batas.

Gayunman, sinabi ni Bello na hahanap ng paraan ang gobyerno para mabigyan ng subsidiya o tulong mula sa mga bangko ang mga maituturing na “distressed” na mga kompanya.

Paliwanag ng kalihim, “Nagkaroon ng kaunting complication because iyong IRR ay mayroong inilagay na exception. Nilagay roon na iyong employers or companies in distress should be exempted from paying the 13th-month pay.”

“Ayon sa aming interpretation ngayon ay hindi dapat magkaroon ng exemption, that is why we are requiring all employers to pay their employees on or before Dec. 24 ng 13th-month pay.”

Ayon sa labor secretary, kailangang maibigay ng mga kumpanya ang 13th month sa kanilang manggagawa “on or before December 24”.

Sinabi ng kalihim na ilalabas nila ang kautusan ukol sa 13th month pay bukas, Oktubre 16.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

To Top