Connect with us

Pagbibigay ng ₱4.6-B ayuda sa mga magsasaka, isinusulong sa Senado

Inihayag ni Senadora Cynthia Villar na aabot sa ₱4.6 bilyong cash assistance ang maaring ipamamahagi sa 1.1 milyong magsasaka upang mabawasan ang kanilang paghihirap dulot ng pandemiya at sa bumababang presyo ng palay.

National News

Pagbibigay ng ₱4.6-B ayuda sa mga magsasaka, isinusulong sa Senado

Inihayag ni Senadora Cynthia Villar na aabot sa ₱4.6 bilyong cash assistance ang maaring ipamamahagi sa 1.1 milyong magsasaka upang mabawasan ang kanilang paghihirap dulot ng pandemiya at sa bumababang presyo ng palay.

Pinangunahan ni Villar, chairperson ng Committee on Agriculture, Food, and Agrarian Reform, ang pagdinig noong Biyernes sa Senate Joint Resolution No. 12 na nag-aawtorisa sa paggamit ng sobrang koleksiyon ng Bureau of Customs (BOC) sa rice importation noong 2020 bilang cash assistance sa magsasaka na may bukid na isang ektarya pababa.

Mula sa ulat ng BOC na nasa ₱3.6 B ang sobra sa ₱13.6 billion na nakolekta ng ahensya mula Enero hanggang Sept 2020.

“According to a preliminary report from BOC, from January to September 2020, they have already collected P13.6 billion, may excess na P3.6 billion.  May natira pa na sobrang collection noong 2019,”

“So together we want that money to be included in the General Appropriations Act and use that as cash assistance to rice farmers,” paliwanag ni senador Villar.

Hinihiling din niya sa Department of Agriculture (DA) na ire-direct sa cash assistance fund ang ₱1 bilyong sa crop diversification program upang mas maraming pera ang maipamahagi sa mga magsasaka.

Sakabuuan ay nasa  ₱4.6 bilyon ang malilikom na halaga para sa pagbibigay ng cash assistance ng mga magsasaka.

Napaglaman naman na ginawa ni Villar ang resolusyon para sa agarang pagpapatupad ng probisyon sa Republic Act 11203 o ang rice tariffication law.

Nakasaad sa batas na lahat ng sobra sa ₱10 bilyong importation dues ay ilalaan sa pinansiyal na tulong sa mga magsasaka, sa pagpapatitulo sa agricultural rice lands, expanded crop insurance program sa bigas o sa crop diversification program.

“Sa tingin ko mas maganda na ibigay na lang sa rice farmers kaysa ilagay pa sa programa. Marami namang programa ang DA. Mas kailangan ng farmers ang pera ngayon so they can spend for their immediate needs especially in this time of pandemic,” ayon kay Villar.

Hiniling din ni Villar kay Agriculture Secretary William Dar na atasan ang Bureau of Plant Industry (BPI) na ihinto ang pagbibigay ng import permits sa bigas.

“Bakit ba tayo nag-iimport pa, iyan naman ang question ko sa BPI, iyong nagbibigay ng permit sa importation. Pigilan mo ang BPI, ayaw tumigil nang kabibigay ng import permit, bagsak na bagsak na ang presyo ng palay.”

Pinagtibay naman ng mga senador tulad nina Senadora Nancy Binay, Senadora Imee Marcos, Senador Francis Pangilinan at Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri  ang lahat ng nasabing resolusyon.

More in National News

Latest News

To Top