Connect with us

Pagbibigay hustisya ng Makabayan Bloc sa pamilya Absalon, paasa lang – DILG

Mariing kinondena ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pinapakalat na maling balita ng Makabayan Bloc patungkol sa pondo BDP

National News

Pagbibigay hustisya ng Makabayan Bloc sa pamilya Absalon, paasa lang – DILG

Pinaaasa lang ng Makabayan Bloc ang pamilya ni FEU Varsity Player Keith Absalon na pinatay ng New People’s Army (NPA) sa pagpapasabog ng landmine sa Masbate.

Ito ang inihayag ni National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict Spokesperson at Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya matapos himukin ng Makabayan Bloc ang pamilya Absalon na maghain ng reklamo sa Joint Monitoring Committee (JMC), na ayon sa kanila ay tumatanggap ng mga ulat ng paglabag ng NPA sa international humanitarian law.

Ayon kay Malaya, pinapaasa lang ng Makabayan Bloc ang pamilya Absalon na makakamit ang hustisya sa pamamagitan ng JMC.

Ito ay dahil matagal na aniyang binuwag ang JMC noon pang ibinasura ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Sa halip na maghain ng reklamo sa disbanded na jmc, sinabi ni malaya na kakasuhan ng pamahalaan at pamilya Absalon sa korte ang mga tauhan ng npa na responsable sa krimen para mapanagot ang mga ito sa ilalim ng batas.

Hinamon rin ni Malaya ang Makabayan Bloc na i-pressure ang CPP-NPA na isuko ang mga nasa likod ng pagkamatay ni absalon at pinsan nito.

More in National News

Latest News

To Top