Connect with us

Pagbakuna sa “most vulnerable sector”, makapagpababa sa mortality rate ng COVID-19

Dapat na unahin sa COVID-19 vaccination program ang mga kabilang sa most vulnerable sectors upang mapababa ang mortality rate ng naturang sakit.

National News

Ito ang paniniwala ni Dr. Edsel Salvana na isa sa miyembro ng technical advisory group ng Department of Health(DOH).

Ani Dr. Salvana, habang hindi pa naabot ng bansa ang “herd immunity” ay mahalagang mabakunahan na ang mga vulnerable groups gaya ng senior citizens, may kapansanan at mga health care workers.

Paliwanag nito, kung mauunang mabakunahan ang 25 milyon mula sa naturang mga sektor ay posibleng bumaba ng hanggang 90% ang kabuuang bilang ng masasawi bunsod sa COVID-19.

Makatutulong din aniya ito upang magkaroon ng mas ligtas na pagbubukas ng ekonomiya kahit na hindi pa nakakamtan ang herd immunity.

More in National News

Latest News

To Top