Connect with us

Pagbagsak ng girder sa Skyway extension project, pinaiimbestigahan sa Kamara

Nais ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon na magkaroon ng malalimang imbestigasyon sa kung ano ang tunay na dahilan nang naganap na aksidente sa skyway extension project sa Muntinlupa.

National News

Pagbagsak ng girder sa Skyway extension project, pinaiimbestigahan sa Kamara

Nais ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon na magkaroon ng malalimang imbestigasyon sa kung ano ang tunay na dahilan nang naganap na aksidente sa skyway extension project sa Muntinlupa.

Isa naman ang kumpirmadong patay at tatlo ang nasugatan matapos na limang sasakyan ang mabagsakan ng steel girder sa nasabing proyekto.

Sa pagkakaintindi ni Biazon, pwedeng iwasan ang ganoong klase ng aksidente at malinaw ang pananagutan dito ng kontraktor.

“To a layman’s observation, it appears to be a preventable accident. Definitely, the contractor will have to be held accountable to the loss of life, limb, and property,” ang pahayag  ni Biazon.

Paliwanag naman ng contractor ng Skyway na EEI Corporation, tumagilid ang nasabing girder noong Sabado ng umaga habang pinoposisyon ito ng crane kaya nalaglag at nabagsakan ang isang taxi, isang van, isang AUV at 2 motorsiklo.

Diin naman ni Biazon na dapat matiyak na magiging ligtas ang mga mamamayan ng Muntinlupa at hindi na maulit pa ang nasabing kapabayaan.

Nais din nito na mapawi ang pangamba ng mga taga Muntinlupa habang itinatayo ang skyway project.

“With the construction of the Skyway extension in the Muntinlupa area still ongoing, Muntinlupeños should be assured and guaranteed that this will never happen again. We do not want to live under threat of being killed by falling debris and equipment,” dagdag pa ng kongresista.

Samantala, mungkahi naman ni CWS Partylist Rep. Romeo Momo sa Department of Public Works and Highways pati na sa Department of Labor and Employment na imbestigahan din ang aksidente.

Nais ni Momo na malaman kung may nalabag ba na safety and health protocols ang project contractor.

“Iminumungkahi ko po, kapwa sa DPWH at Department of Labor and Employment (DOLE), na magsagawa ng kaukulang imbestigasyon upang alamin ang sanhi ng aksidente, matukoy kung mayroong nalabag patungkol sa safety at health protocols at papanagutin ang mapatutunayang nagkasala,” saad ni Momo.

Nanawagan rin si Momo sa DPWH at EEI Corp. na ibigay ang lahat ng tulong sa mga nabiktima ng aksidente lalo na ang mga contstruction worker.

Nauna nang humingi ng tawad ang San Miguel Corporations sa mga biktima ng nangyaring aksidente.

Base sa inilabas na pahayag, sinabi ni SMC President at Chief Operating Officer Ramon Ang na prayoridad nilang tulungan ang mga biktima at kanilang pamilyang naapektuhan ng nasabing aksidente.

Ipinaabot din nito ang kanilang pakikiramay sa pamilya ng isang nasawi.

 

More in National News

Latest News

To Top