Pagbabayad ng NHA beneficiares ng pabahay, suspendido

Pagbabayad ng NHA beneficiares ng pabahay, suspendido

National News

Suspendido sa loob ng 3 buwan ang pangongolekta ng National Housing Authority (NHA) sa amortization o lease payment mula sa mga residential account holders sa lahat ng mga proyekto ng ahensya.

Ito ay kasunod na rin ng paglalabas ng NHA ng Memorandum Circular upang makatulong na maibsan ang pasanin ng mga housing beneficiaries matapos ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang State of Public Health Emergency sa buong bansa.

Sakop ng naturang moratorium ang mga bayarin mula March 16-June 15, 2020.

The program specifically noted that there is no need for housing beneficiaries to apply for this measure. This will automatically be processed in all existing residential account holders of NHA. Furthermore, suspended amortization due will not incur delinquency or additional interest charges.” bahagi ng pahayag ng NHA.