Connect with us

Pagbabantay sa mga pagpasok ng imported pork products sa bansa, pinaigting pa

pagbabantay

National News

Pagbabantay sa mga pagpasok ng imported pork products sa bansa, pinaigting pa

PINAIGTING pa ng Bureau of Animal Industry (BAI) at Bureau of Customs (BOC) ang pagbabantay sa mga papasok na pork products.

Ito ay dahil sa banta ng African swine fever.

Una ng ipagbawal pansamantala ni Agriculture Secretary Manny Piñol na makapasok sa Pilipinas ang karneng baboy mula Vietnam.

Patuloy ang pagpapakalat ng impormasyon ng BAI at BOC officials sa Customs NAIA frontliners ng Terminal 1, 2 at 3.

Para palakasin ang pagbabantay laban sa African swine fever.

Una nang sinabi ni Piñol na isinagawa ang rekomendasyon ni BAI Director Ronnie Domingo.

Matapos ang report mula Taiwan na may nasabat ang quarantine authorities ng karne mula Vietnam na positibo sa African swine fever.

Maliban sa Vietnam, ipinagbabawal din ng gobyerno ang pagpasok ng pork products.

Kabilang ang mula China, Belgium, Hungary, Latvia, Poland, Romania, Russia, Ukraine at Japan.

Pinapayuhan din ng BOC ang mga balikbayan na iwasan munang magbitbit ng mga frozen meat o meat products mula sa ibang bansa.

DZAR 1026

More in National News

Latest News

To Top