Pagbabalik-trabaho sa unang araw ng GCQ, pahirapan sa mga manggagawa

National News

Naging pahirapan sa mga manggagawa ang pagbabalik-trabaho ngayong unang araw ng pagpapatupad ng general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila.

Ito ay dahil sa limitado pa rin ang mga pampublikong sasakyan na nagbalik-operasyon at bagong bus stops.

Matatandaang sinabi mismo ng MMDA sa pakikipag-ugnayan nito sa Metro Manila Council at Interagency Task Force ang pagpapatupad ng pampublikong sasakyan gaya ng P2P bus, TNVS, PUVs, tricycle, motorcycle at bisikleta.

Gayunpaman, posibleng maulit pa ang ganitong senaryo kung wala pa ring may gustong bumiyahe sa kahabaan ng EDSA para sa mga empleyado na hindi naman sinasagot ang transportasyon ng mga ito mula sa kanilang mga employer

Nauna nang ipinanawagan ni DOLE Sec Silvestre Bello III sa mga employer na sagutin ang paglalaan ng transport service o shuttle sa mga inaasahang trabahante ngayong opisyal nang nagbukas ang mga operasyon nito sa ilalim ng GCQ guidelines

Sa isang panayam sa laging handa kay MMDA General Manager Jojo Garcia, posibleng sa June 21 o 22 pa papasok ang mga city buses sa Metro Manila dahil sa mga inaayos pang plano kaugnay sa mas maayos na daloy ng trapiko

Sa ngayon, tuloy pa rin ang ginagawang pagtingin sa mga body temperature ng mga manggagawa na pumapasok sa mga checkpoints.