Connect with us

Pagbabalik operasyon ng provincial bus, nakadepende sa mga LGU

Ang hindi pagpayag ng maraming Local Government Units (LGU) ang isa sa mga dahilan kaya hindi agad mapayagan ng LTFRB ang operation ng maraming provincial bus.

National News

Ito ang inihayag ni LTFRB Chairman Martin Delgra sa laging handa media briefing.

Ayon kay Delgra, maraming local officials ang ayaw pang magbukas ng kanilang border para sa mga bus lalo na ang mga manggagaling sa Metro Manila.

Ani Delgra, 4 lang sa 81 na probinsya ang pumayag na magbukas ng mga ruta kabilang dito ang Antique, Quirino at Bataan.

Umaasa naman ang LTFRB chief na makapagbubukas ang ibang LGUs ng provincial bus routes na manggagaling sa Metro Manila ngayong buwan.

Samantala, sinabi ng opisyal na mayroon na ngayong nag-ooperate na inter-provincial buses.

Binigyan-diin ni Delgra na mahalaga ang pakikipag-ugnayan sa mga LGU ukol sa bus routes dahil sila ang tatanggap at mangangasiwa sa mga pasahero.

More in National News

To Top