Connect with us

Pagbabalik ng professional license ni Calvin Abueva, inirerekumenda

Sports

Pagbabalik ng professional license ni Calvin Abueva, inirerekumenda

Inirekomenda na Games and Amusements Board (GAB) ang pagbabalik ng professional license ni Calvin Abueva.

Ito ay matapos na makumpleto ng manlalaro ang pagsailalim sa professional athlete’s code of conduct and ethics seminar.

Ayon sa GAB, kinapalooban ng tatlong sessions ang online seminars na isinagawa noong Oct. 6, 8 at 14.

Sa inilabas na obserbasyon ng Gab, nakasaad na sa kasagsagan ng seminars, walang indikasyon ng aggression sa panig ng manlalaro at wala ding senyales ng anxiety, hostility o irritability.

Sa kabila naman nito, sasailalim pa sa approval ng board ang naturang rekumendasyon bago tuluyang maibalik ang professional license ni Abueva.

Continue Reading

More in Sports

To Top