Connect with us

Pagbabakuna sa publiko, inaasahang sisimulan sa buwan ng Abril – Galvez

Inaasahang magsisimula ang pagbabakuna para sa general public sa katapusan ng Abril o Mayo.

National News

Pagbabakuna sa publiko, inaasahang sisimulan sa buwan ng Abril – Galvez

Inaasahang magsisimula ang pagbabakuna para sa general public sa katapusan ng Abril o Mayo.

Ito ang sinabi ni NTF on COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. kasunod ng inaasahang pagdating sa bansa ng vaccine doses mula sa covax facility.

Nasa 5.2 million hanggang 9.5 million doses ng Pfizer at Astrazeneca vaccines ang hinihintay na dumating mula sa covax facility sa ikalawang bahagi ngayong taon.

Sa panahong ito ay posibleng mabakunahan na ang senior citizens, poor families at vulnerable communities na kabilang sa priority list.

“Ang projection po namin ang general public, pati na ‘yung mga seniors, poor families, at saka vulnerable communities, we will start ‘yung general public inoculation late april, early may,” ani Galvez

Ani Galvez, inaasahang matatapos ang pagbabakuna sa mga frontline healthcare workers ngayong Marso ngunit nilinaw naman ng kalihim na maaari itong mareschedule sa abril sakaling ma-delay ang pagdating ng COVID-19 vaccines sa bansa.

Maaalala namang dumating sa bansa ang donasyon na 600,000 doses ng COVID-19 vaccines mula sa Chinese company na Sinovac noong araw ng linggo.

More in National News

Latest News

To Top