Connect with us

Pag-ere ng ABS-CBN Programs sa Zoe TV, dapat silipin ng NTC at BIR

Pinaiimbestigahan ng isang kongresista ang blocktime deal ng ABS-CBN sa Zoe TV.

National News

Pag-ere ng ABS-CBN Programs sa Zoe TV, dapat silipin ng NTC at BIR

Pinaiimbestigahan ng isang kongresista ang blocktime deal ng ABS-CBN sa Zoe TV.

Aniya, may legal issue raw sa nasabing kasunduan.

Kung si House Minority Leader Joseph Stephen Paduano ang tatanungin, dapat raw munang silipin ng National Telecommunications Commission(NTC) ang kasunduan sa pagitan ng ABS-CBN at ng Zoe TV.

Ito ay matapos matanong si Paduano sa isang pressconference kung ano ang tingin nito sa blocktime agreement at pag-ere ng ABS-CBN Programs sa Zoe Channel na ngayon ay A2Z na.

Ayon kay Paduano, NTC muna ang dapat mag-imbestiga dito bago nila gamitin ang kanilang oversight functions sa Kamara.

Matatandaan na isa si Paduano sa mga supporter ng franchise renewal ng Kapamilya network at naging co-author pa ito noon ng ABS-CBN franchise bill sa Kamara subalit binawi niya rin ito.

Naging dahilan noon ni Paduano ang mga nadiskubreng tax avoidance scheme ng ABS-CBN gamit ang subsidiary nito na Big Dipper.

Samantala, natanong din si Paduano hinggil sa tax exemption ng Zoe bilang isang religous channel.

At ngayon na may blocktime na ang ABS-CBN sa Zoe, nais ni Paduano na masilip ito ng Bureau of Internal Revenue (BIR) kung magpapatuloy ba ang tax exemption ng religious network.

More in National News

Latest News

To Top