Connect with us

Pag-apruba ng Kamara sa UP Security bill, tinutulan ni Pastor Quiboloy

Mariing tinutututulan ng chairman ng SMNI News at executive pastor ng The Kingdom of Jesus Christ na si Pastor Apollo C. Quiboloy ang panukalang batas

National News

Pag-apruba ng Kamara sa UP Security bill, tinutulan ni Pastor Quiboloy

Mariing tinutututulan ng chairman ng SMNI News at executive pastor ng The Kingdom of Jesus Christ na si Pastor Apollo C. Quiboloy ang panukalang batas na inaprubahan ng mga kongresista  na iniakda ng Makabayan Bloc na taliwas sa laban ng gobyerno kontra sa insurhensiya.

Ito ay matapos magkaroon ng 176 na boto mula sa mga kongresista sa House Bill 10171 o ang UP Security Act at mabilis na nakapag hain ng counterpart ang mga senador ng SB 2002 na pag-amyenda sa UP charter of 2008.

Dagdag pa ni Pastor Apollo walang naging malinaw na impormasyon sa mamamayang Pilipino patungkol sa nabanggit na panukala o ang UP Security Act na nag papakita na ang University of the Philippines is above the law.

Dahil sa naging desisyon ng mga kongresista na pumabor sa nabanggit na mga panukalang batas ay naikonsidera ito ni Pastor Apollo na isa sila sa mga NPA lovers.

Napabilang naman sa pangunahing may akda sa nasabing panukalang batas ay sina Grace Poe, Sonny Angara, Nancy Binay, Joel Villanueva, Risa Hontiveros at Juan Miguel Zubiri.

Ilan sa mga partylist ng Makabayan Bloc ay ang Bayan muna, Anakpawis, Gabriela, Kadamay, Act Teacher, Piston, Kilusang Mayo Uno (KMU), Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), League of Filipino Students (LFS), Alyansa ng Maralitang Pilipino (AMP), Katribu, Partido Manggagawa (PM), Anakbayan at Kabataan.

Ayon naman sa isang tagapag salita ng NTF-Elcac na si Atty. Marlon Busantog, kumpirmado na ang Kabataan Partylist sa pamumuno ni Sarah Elago ay isa sa binuo ng CPP-NPA-NDF na walang ibang layunin kundi pabagsakin ang gobyerno sa pamamagitan ng pag rerecruit ng mga estudyante sa iba’t-ibang paaralan na nag resulta sa pag kasawi at pagkasira ng buhay ng maraming kabataan lalo na sa mga estudyante mula sa unibersidad ng UP Diliman.

 

More in National News

Latest News

To Top