Connect with us

Pag-amyenda ng Kamara sa ipinasang 2021 budget bill, ligal – Cong. Yap

Nanindigan si House Committee on Appropriations Chairman Eric Go Yap na ligal ang kanilang hakbang na magpasok ng post- third reading errata sa loob 2021 budget bill.

National News

Pag-amyenda ng Kamara sa ipinasang 2021 budget bill, ligal – Cong. Yap

Nanindigan si House Committee on Appropriations Chairman Eric Go Yap na ligal ang kanilang hakbang na magpasok ng post- third reading errata sa loob 2021 budget bill.

Ito ay matapos sitahin ni Senator Ping Lacson ang hakbang ng Kamara.

Ayon kay Lacson, unconstitutional ang pag-amyenda ng Kamara sa budget bill pagkatapos itong aprubahan sa 3rd and final reading.

Malinaw din aniya ang nakasaad sa article 6, section 26 ng konstitusyon na hindi na maaaring amyendahan ang isang panukalang batas pagkatapos maaprubahan sa huling pagbasa.

“Upon the last reading of a bill, no amendment thereto shall be allowed,” giit ni Lacson.

Maalala na naaprubahan agad sa third and final reading sa Kamara ang panukalang ₱4.5 Trillion 2021 proposed national budget sa 3rd and final reading noong nakaraang linggo.

Ito ay matapos nagpatawag ng special session si Pangulong Rodrigo Duterte noong ika-13 hanggang 16 ng Oktubre upang ipasa sa lalong madaling panahon ang panukalang pambansang pondo.

Para naman kay Senator Kiko Pangilinan, sa bicam dapat gagawin ang mga pagbabagong gustong ilagay ng Kamara sa budget bill dahil tapos nang naaprubahan ang panukala sa third reading.

Paliwanag ni Pangilinan, “Kapag meron silang correction or meron silang intervention, it has to be in the bicam, not to be an errata, lalo na kung napakalaki ng mga halaga.”

Pero sa ginawang paliwanag  ni Appropriations Committee Chairman Eric Yap, nilinaw nito na may post post-third reading ‘errata’ dahil certified as urgent ang budget at matatagalan sila sa Kamara na maipasa ang panukalang pambansang pondo kung hindi nila ito gagawin.

Nanindigan din si Yap na walang pork barrel sa loob 2021 budget dahil lahat ng inihabol na pondo ay mga agency initialized request at hindi personal budget request mula sa mga kongresista.

Samantala, tinapos na ng small committee na binuo ng Kamara ang ilang pag-amyenda para sa 2021 general appropriations bill.

Ayon kay Appro Vice- Chairman at Albay Rep. Joey Salceda, kabuuang ₱20 billion na halaga ng institutional amendments ang inaprubahan ng small committee ngayong araw.

Narito naman ang mga dagdag na pondo na isiningit sa bersyon ng Kamara sa 2021 proposed national budget:

₱500-Million – Energy governance and self-sufficiency

₱400-Million – Philippine National Oil Company

₱100-Million – Energy Regulatory Commission modernization

₱2- Billion – Health Facilities Enhancement Program o HFEP

₱4- Billion – Department of Labor and Employment

₱2- Billion – C130 planes ng Armed Forces

₱1.7- Billion – Department of Education

₱2- Billion – Department of Interior and Local Gov’t

₱300- Million – Mental Health Program

₱5.5- Billion- para sa  COVID-19 vaccine

₱2.2- Billion- ayuda sa mga apektadong pamilya ng pandemya

Tiniyak naman ni Salceda sa mga senador na walang pork sa pambansang budget dahil institutional amendments at department errata lamang ang napagkasunduan dito.

 

 

More in National News

Latest News

To Top