Connect with us

Pag-ako ng ISIS sa twin bombing sa Jolo, Sulu, propaganda lang ayon sa militar

Itinaas na ng Philippine Coast Guard sa heightened alert ang kanilang pwersa sa South-Western Mindanao dahil sa magkasunod na pagsabog sa Jolo, Sulu ngayong araw.

National News

Pag-ako ng ISIS sa twin bombing sa Jolo, Sulu, propaganda lang ayon sa militar

Propaganda lang!

Ganito inilarawan ni Joint Task Force Sulu Commander Brigadier General William Gonzales ang pag-ako ng teroristang grupo na ISIS sa kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu.

Ayon kay Gonzales, lahat naman ng ganitong insidente ay inaako ng ISIS upang magpasikat.

Pero pinaghihinalaan pa rin nila na ang Abu Sayyaf Group ang nasa likod ng pagsabog na isinagawa ng dalawang babaeng suicide bomber.

Una nang inihayag ng militar na ang Indonesian bomber ay biyuda ni Norman Lasuca, ang kauna-unahang Pilipinong suicide bomber habang ang isa pa ay biyuda ng teroristang si Abu Talha.

Samantala, naniniwala ang Philippine National Police na makatutulong ang rekomendasyon na Martial Law sa Sulu sa pagpapatupad ng anti-terror law na ang layunin ay mapigilan ang banta sa seguridad.

Ito ang iginiit ni PNP Spokesperson Police Brigadier General Bernard Banac matapos suportahan ng liderato ng PNP ang naturang rekomendasyon ni Philippine Army Chief Lieutenant General Cirilito Sobejana na magpatupad ng batas militar sa sulumatapos ang twin bombing sa Jolo.

Ayon kay Banac, habang wala pa ang Implementing Rules And Regulations (IRR) maaaring ipatupad ang batas militar sa Sulu upang mapanatili ang peace and order.

Sinabi ni Banac na dalawang linggo matapos maaresto si Abu Sayyaf Leader Anduljihad “Idang” Susukan sa Davao City ay nakaalerto na sila sa posibleng pag-atake ng mga tagasuporta nito.

More in National News

Latest News

To Top