Connect with us

Pacquiao-Ugas fight, panghuling laban ng ‘Pambansang Kamao’

Tinalo ng proxy ni Errol Spence si Manny Pacquiao via unanimous decision

Sports

Pacquiao-Ugas fight, panghuling laban ng ‘Pambansang Kamao’

Posibleng panghuling laban na ng ‘Pambansang Kamao’ Manny Pacquiao ang laban nito kay WBA Welterweight Champion Yordenis Ugas.

Ito ang sinabi ng eight division world champion nang magkaharap sila ni Ugas sa Toshiba Plaza sa Las Vegas bilang paghahanda sa kanilang laban sa linggo.

Ayon pa kay Pacquiao, lalaban ito para sa kanyang legasiya at para sa karangalan ng Pilipinas, at posible itong pinakahuli o isa sa kanyang pinakahuling mga laban.

Samantala, nangako naman si Ugas na siya na ang pinakahuling makakalaban ni Pacquiao na magbibigay ng pinakamagandang laban dito.

Matatandaan na si Ugas ay last minute na kapalit kay Errol Spence Jr. na umatras sa laban nito kay Pacquiao dahil sa eye injury.

More in Sports

Latest News

To Top