Connect with us

Pacquiao nagsimula ng mag-ensayo para sa nakatakdang laban nito kay American Boxer Errol Spence Jr

Pacquiao nagsimula ng mag-ensayo para sa nakatakdang laban nito kay American Boxer Errol Spence Jr

Sports

Pacquiao nagsimula ng mag-ensayo para sa nakatakdang laban nito kay American Boxer Errol Spence Jr

Nagsimula nang mag-ensayo si Filipino Boxing Champion Manny Pacquiao para sa nakatakdang laban nito kay American Boxer at Unified Welterweight Champion Errol Spence Jr.

Open Photo

Sa kaniyang social media account, ibinahagi ng fighting senator ang ginagawang ensayo sa kanyang forbes park mansion.

Open Photo

Sa susunod na Linggo, inaasahang makakasama na ni Pacquiao sa training ang coach nitong si Buboy Fernandez.

Inaasahan namang mas titindi pa ang kanyang pag-ensayo kung tutungo na ito sa California kasama ang kanyang beteranong trainer na si Freddie roach at Conditioning Coach Justine Fortune.

Itinakda ang laban nina Pacquiao at Spence sa darating na Agosto 21 sa Las Vegas.

Matatandaan na huling laban ng pambansang kamao ay nangyari noong 2019 kontra Keith Thurman.

 

More in Sports

Latest News

To Top