Connect with us

Pacquiao, mas maraming experience kumpara sa ibang presidential candidates

Pacquiao, mas maraming experience kumpara sa ibang presidential candidates

National News

Pacquiao, mas maraming experience kumpara sa ibang presidential candidates

Naniniwala si presidential candidate at Senator Manny Pacquiao na mas marami siyang experience kung ikukumpara sa iba pang mga kandidato

“Kapag experience sa buhay ang pag-uusapan, daig ko po ‘yan silang lahat, sa totoo lang.”

Sinabi rin ni Pacquiao na naranasan na niyang humawak ng kaunting pera na gagamitin para sa pangangailangan ng pamilya.

Nagmula sa mahirap na pamilya si Pacquiao at ngayon ay isa sa pinaka-mayamang senador dahil sa boxing career.

Dagdag pa ni Pacquiao, naiinis siya sa mga kandidato na puro lamang pangako ngunit hindi naman naisasakatuparan ang mga ito.

“Diyan po ako napupuno na. Tuwing eleksyon po lahat ng kandidato laging nangangako, ang gaganda ng mga programa sa ating bansa. Bakit parami nang parami ang naghihirap?”

Bukod pa rito, sinabi ni Pacquiao na pinag-aralan niya ang mga problema ng bansa at hindi niya ipapahiya ang kanyang sarili.

“Bakit ipapahiya ko ang sarili ko na tatakbo ako rito, tapos matagal kong pinangalagaan ang pangalan ko, tapos tatakbo ako rito sa pagka-pangulo na wala akong alam?”

Sinabi rin ng presidential aspirant na nais nitong mas pabutihin ang sistema ng transportasyon sa bansa sa pamamagitan ng “north to south” bullet train service.

Ani Pacquiao, bilyun-bilyong piso ang nawawala dahil sa matinding problema sa trapiko ng bansa.

Dagdag ni Pacquiao, ang solusyon sa problema sa trapiko ay ang pagbibigay ng prayoridad sa mas maraming infrastructure projects gaya ng mga skyway at underpass, subway system, at mas maraming tren.

Ito ay upang mahikayat na rin aniya ang mga ay pribadong sasakyan na sumakay ng mga pampublikong sasakyan.

Inaasahang matatapos ang Metro Manila Subway Project sa ikatlong bahagi ng 2027.

Giit ni Pacquiao, dapat na palawigin ang subway project ng bansa.

More in National News

Latest News

To Top