Connect with us

Pacquiao, ikinokonsidera ang rematch kay Yordenis Ugas

Ikinokonsidera ni Manny Pacquiao ang rematch kay WBA Champion Yordenis Ugas matapos ang pagkatalo ni sa Cuban boxer noong linggo.

National News

Pacquiao, ikinokonsidera ang rematch kay Yordenis Ugas

Ikinokonsidera ni Manny Pacquiao ang rematch kay WBA Champion Yordenis Ugas matapos ang pagkatalo ni sa Cuban boxer noong linggo.

Ayon kay Pacquiao, posibleng magkakaroon muli ng Pacquiao-Ugas fight sa Enero bago ang pagsisimula ng kampanya para sa eleksyon sa Mayo.

Iginiit ni Pacman na isa lamang si Ugas sa mga pinakamadali niyang kalaban dahil meron lamang aniya itong isang istilo, ngunit dahil aniya sa kanyang problema sa paa kaya nahirapan siyang kumilos.

Una nang sinabi ni Pacquiao noong Sabado na posibleng hindi na ito muli makikipaglaban sa ring kasunod ng ikawalong pagkatalo ngunit aminado si Pacman na hindi pa rin siya mapakali sa pagkakatalo sa kanya ni Ugas kaya natutukso siyang paunlakan ang isang rematch.

Samantala, posible namang ngayong weekend ang uwi ng pamilya ni Pacquiao sa Pilipinas.

More in National News

Latest News

To Top