pinsala Bagyong Ambo Bicol

P79-M pinsala ni Bagyong Ambo, naitala sa sektor ng agrikultura sa Bicol region

National News

Mahigit  sa P79 milyon ang napinsala  sa agrikultura ng Bagyong “Ambo.”

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang naitala ay sakop lamang ng Bicol region.

Naitala naman sa Masbate ang P36 milyon at Camarines Sur ang P33 milyon na may pinakamalaking halaga ng napinsala.

Samantala, nasa P185-million naman ang naitalang danyos sa fisheries sector.