P76.8 ayuda inilaan freelance

P76.8-M na ayuda, inilaan para sa mahigit 14K freelance cultural workers

National News

Maglalaan ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ng P76.8 milyong ayuda para sa freelance cultural workers at artists na apektado ng COVID-19 crisis.

Ito ang kinumpirma ni NCAA Executive Director Al Ryan S. Alejandre sa Laging Handa public briefing. Ito ay kaugnay sa  maraming mga aktibidad at events ang nakansela at nahinto dahil sa community quarantine.

Aniya, ang naturang pondo na inilaan ng ahensya ay para sa 14,520 freelance cultural workers at artists.

Sinabi pa ni Alejandre na 19 na sektor ang sinisilbihan ng NCCA. Kasama na rito ang music, architecture, dance, visual arts at iba pa na kasalukuyang tinutulungan nila nang mawalan ng hanapbuhay.

Sa datos ng NCCA, nasa 2,650 groups ang apektado ng COVID-19 o katumbas ng tinatayang nasa 300,000 – 400,000 kabuuang freelance artists at workers.