Connect with us

P516-M na Modern Mandaluyong City Jail Project, binuksan na

Pinangunahan kamakailan ni Mandaluyong Lone District Rep. at Deputy Speaker Neptali ‘Boyet’ Gonzales ang pagbubukas ng P516-M na Modern City Jail Project.

National News

P516-M na Modern Mandaluyong City Jail Project, binuksan na

Pinangunahan kamakailan ni Mandaluyong Lone District Rep. at Deputy Speaker Neptali ‘Boyet’ Gonzales ang pagbubukas ng P516-M na Modern City Jail Project.

May be an image of 3 people and people standing

Ang modern jail facility ay dinesenyong energy-efficient, mayroong “sunning area” sa roof deck, basketball court, at state-of-the-art kitchen and laundry facilities.

 

Ayon kay Gonzales, ang bagong pasilidad ay tutugon sa problema sa kalusugan at siksikan ng mga preso sa jail facilities  ng siyudad sa gitna narin ng banta ng mas nakakahawang Delta variant ng COVID-19.

“We see this facility as the solution to the perennial problem of congestion in our jails in Mandaluyong because the old BJMP building has the capacity of around 170 PDLs but it currently houses over 700 inmates,” paliwanag ni Gonzales.

Punto ng mambabatas, mahalaga na magkaroon ng maayos na pasilidad ang mga Persons Deprived With Liberty o PDLs upang matulungan silang magbagong buhay at maiwasan ang pagkalat ng mga sakit, lalong-lalo na ang COVID.

“Marapat-dapat din nating mapagtuunan ng pansin ang kalagayan ng ating mga kababayang nakapiit sa kulungan, na marami sa kanila ay nagkamali o nagkasala man, dahil sa matinding kahirapan,” ayon sa mambabatas.

Ang proyektong ito ay bahagi ng Build Build Build Program ni Pangulong Rodrigo Duterte na unang isinulong ng maybahay ng mambabatas na si former Mandaluyong Rep. Queenie Gonzales.

May be an image of 6 people and people standing

More in National News

Latest News

To Top