Connect with us

P4.5-Trillion proposed National Budget sa 2021, lusot na sa komite sa Kamara

Pasado na sa House Committee on Appropriations ang P4.506 Trillion na proposed 2021 National Budget.

National News

P4.5-Trillion proposed National Budget sa 2021, lusot na sa komite sa Kamara

Pasado na sa House Committee on Appropriations ang P4.506 Trillion na proposed 2021 National Budget.

Ito ay kinumpirma mismo sa DZAR ni Appropriations Committee Chairman Eric Go Yap.

Subalit ayon kay Yap, hindi kaya na maipasa sa third and final reading ang 2021 budget bill bago matapos ang buwan ng Setyembre.

Taliwas ito sa naunang plano ni House Speaker Alan Peter Cayetano na ipasa ang panukalang pondo bago matapos ang buwang ito.

Samantala, sinabi rin ni Yap na natalakay na nila ang budget ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na makailang beses na re-schedule sa committee hearing.

Ayon kay Yap, naayos na nila sa komite ang pondo ng PCOO na naunang hinarang ng mga taga Makabayan Bloc dahil sa isyu ng red tagging sa mga progresibong mambabatas sa social media.

Nauna nang nanawagan ang Makabayan Bloc na humingi ng tawad at magbitiw sa puwesto si PCOO Usec. Lorraine Badoy matapos iugnay nito ang mga mambabatas bilang legal fronts ng NPA.

“The next few weeks will be very challenging and I appeal to our colleagues for their cooperation, unity and professionalism. This is the people’s budget and it is our obligation to make sure that the National Budget will not only be passed on time, but ultimately, it will respond to the growing needs of our countrymen.”

” More work needs to be done and it is my hope that the entire budget process will not delayed by whatever issue that the Congress may face in the coming days,” giit ni Yap.

Sa huli, sinabi ni Yap na inaayos na nila ngayon ang schedule para sa plenary proceedings ng General Appropriations Bill na target maipasa bago ang October recess ng Kongreso.

More in National News

Latest News

To Top