Connect with us

P4.3-M smuggled na mga sigarilyo at bangka na nasabat sa dagat, kumpiskado na

P4.3-M smuggled na mga sigarilyo at bangka na nasabat sa dagat, kumpiskado na

Regional

P4.3-M smuggled na mga sigarilyo at bangka na nasabat sa dagat, kumpiskado na

Tuluyan ng kinumpiska ng Bureau of Customs (BOC) ang bangka at smuggled na 123 kahon o master cases ng iba’t-ibang brand ng sigarilyo na nagkakahalagang P4.3 million.

Nauna dito’y nagpapatrolya ang Seaborne patrol sa San Pablo open sea, sakay ng high-speed tactical water craft – 09 ng matyempuhan nila ang motorized pump boat na punum-puno ng mga smuggled na sigarilyo.

Patungo umano ang bangka sa Sultan Naga Dimaporo sa Lanao del Norte para ideliver ang kontrabando ng masabat ng pinagsanib na pwesa ng Customs Enforcement and Security Service at ng Customs Intelligence and Investigation Service, sa tulong naman ng Zamboanga Del Sur maritime police..

Kinumpiska ang mga sigarilyo pati bangka dahil sa paglabag sa section 1113 ng customs modernization and tariff act.

More in Regional

Latest News

To Top