pabuya top commander NPA

P2-M pabuya para sa makakapagturo ng top NPA commanders, inalok ni Pang. Duterte

National News

Nag-alok ng P2 milyong pisong pabuya si Pangulong Rodrigo Duterte sa sinumang makapagtuturo at makatutulong sa pag-aresto sa mga top NPA commanders.

“Kapag nakapatay kayo ng commander o nakapagturo kayo kung san natutulog yung commander, o nakitulog, sabihin niyo lang sa akin. At p2-milyon, basta yung top commander,” pahayag ni Pangulong Duterte.

 Tiniyak naman ni Duterte sa mga magsusumbong, na wala silang dapat ika-pangamba.

Ayon sa Pangulo, bibigyan niya ito ng gantimpala at tatanggalin sa masalimuot nilang komunidad. Bibigyan din aniya ng bagong identity sa ilalim ng witness protection program.