Connect with us

P18-B na pondo para sa National Broadband Program, isinusulong sa senado

Itinutulak ni Sen. Panfilo "Ping" Lacson sa Senado na maibigay sa Department of Information and Communications Technology (DICT) ang ₱18 bilyong  pondo na kinakailangan para sa National Broadband Program (NBP) ng ahensya.

National News

P18-B na pondo para sa National Broadband Program, isinusulong sa senado

Itinutulak ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson sa Senado na maibigay sa Department of Information and Communications Technology (DICT) ang ₱18 bilyong  pondo na kinakailangan para sa National Broadband Program (NBP) ng ahensya.

Ito ang magiging daan aniya para mapaunlad ang internet connectivity ng bansa na kailangan ng mga Pilipino dahil sa umiiral na new normal.

Maliban dito ay bilyon bilyong halaga umano ang maititipid ng gobyerno sakaling maiinstall na ang NBP sa bansa.

Pero ayon kay Lacson, nasa ₱902-M lamang ang ibinigay ng executive dept. sa ilalim ng National Expenditure Program para sa operasyon ng NBP.

At kahit pa aniya nagdagdag na ng ₱2-B na pondo  ang House of Representatives para sa National Broadband Program at ₱3-B naman ang inaugment ng Senado batay sa ginawang committee report ng Finance Commitee ay nasa ₱5.9-B pa lamang ang mailalan para sa programa.

Ayon kay Lacson, kapag  naibigay ang buong ₱18-B para sa NBP ay magagarantiya na maliban sa magiging efficient ang internet service para sa mga Pilipino ay aabot pa aniya sa ₱34-B piso ang matitipid ng gobyerno sa loob lamang ng limang taon.

Naniniwala din si Lacson na makakatulong ang National Broadband Program para makapaggenerate ng additional revenue ang gobyerno.

Maari daw kasing itap ng mga telecommunication companies ang network ng gobyerno bilang kanilang private service provider.

Sa ngayon ay nasa Phase 1 na ang implementation ng National Broadband Program na kayang i-cover hanggang sa Davao.

Kung mananatili aniyang nasa ₱5.9-B lamang ang pondo na ilalagay para sa National Broadband Program ay hindi makakasama ang Ilocos Region at Cagayan Valley sa agad na makikinabang nito.

Sa ngayon naman ay submitted na ang ₱14-B budget ng DICT sa Plenaryo.

More in National News

Latest News

To Top