Connect with us

OVP, hindi ang may pinakamaliit na pondo sa  2021 National Budget

Pinabulaanan ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor na ang Office of the Vice President (OVP) ni Leni Robredo ang may pinakamaliit na pondo sa lahat ng tanggapan ng gobyerno sa 2021.

National News

OVP, hindi ang may pinakamaliit na pondo sa  2021 National Budget

Pinabulaanan ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor na ang Office of the Vice President (OVP) ni Leni Robredo ang may pinakamaliit na pondo sa lahat ng tanggapan ng gobyerno sa 2021.

Ito ay matapos banggitin ng supporters ni Robredo sa nagdaang budget hearing ng OVP sa Kamara na ang tanggapan ng pangalawang Pangulo ang may pinakamaliit na pondong natanggap sa buong Philippine Bureaucracy.

Paglilinaw ni Defensor, kalahati ng P679.7-million ng budget ng OVP ay pang ayuda o dole-outs o katumbas ng P387.6 million.

Nilinaw din nito na maraming tanggapan ang mas may maliit na pondo kumpara OVP  gaya P85.2 million para sa Anti-Money Laundering Council (AMLC), P146 million para sa Anti-Red Tape Authority, P344.5 million para sa Dangerous Drugs Board at P172.3 million para sa Commission on Filipinos Overseas.

Iminungkahi rin ng kongresista na dagdagan ang budget ng AMLC para maraming mahuli na money launderers.

“For instance, P85.2 million is budgeted for the Anti-Money Laundering Council (AMLC), P146 million for the Anti-Red Tape Authority, P344.5 million for the Dangerous Drugs Board, and P172.3 million for the Commission on Filipinos Overseas. Maybe, we should increase the budget for the AMLC so it could catch money launderers.”

Depensa naman ng Chairman ng House Committee on Public Accounts na nagpasyahan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ang economic team nito na bawasan ang pondo ng ilang ahensya dahil narin sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Katunayan, may P11-Million din na bawas sa pondo ng Office of the President sa 2021 kaya hindi lamang ang OVP ang binawasan.

“This is the reason why the OVP funding for next year is P28 million less than this year’s P708 million. The President himself is proposing an P11-million reduction in the budget for his own office,” saad ng kongresista.

Personal namang nanawagan ng dagdag na pondo si VP Robredo sa nagdaang budget briefing nito sa Kamara para matustusan ang kanyang mga programa.

Nilinaw din ni Defensor na hindi ginigipit ng kongreso ang pondo ng OVP.

Katunayan aniya, magkasunod na taon mula 2017 hanggang 2018 na tumaas ang subsidy/financial assistance fund ng OVP kaya wala aniyang rason ang mga kaalyado nito na magreklamo.

Paglilinaw ni Defensor,“Since then, Congress has been padding her budget. Her subsidy/financial assistance went up from P177.6 million in 2017 to P277.6 million in 2018 to P387.6 million this year and next year. Congress has been generous to the Vice President. Her supporters have no reason to complain.”

 

More in National News

To Top