Connect with us

Orihinal na 2022 proposed budget ng NTF-ELCAC, ipinababalik ni PRRD; mga senador pinapapalitan

Orihinal na 2022 proposed budget ng NTF-ELCAC, ipinababalik ni PRRD; mga senador pinapapalitan

National News

Orihinal na 2022 proposed budget ng NTF-ELCAC, ipinababalik ni PRRD; mga senador pinapapalitan

Dapat ng palitan ang mga Senador!!

Ito ang buwelta ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos tinapyasan  ng mga senador ang hinihiling na budget ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na nasa P28-billion.

“Now Congress, wa ko kasabot ani (i don’t understand it). Puwede ba palitan ninyo ‘yung mga senador? [applause] wala talaga eh. Sila ‘yung naga… itong original na — i think it was 19 billion — [28?] [official: billion.] Tapos oo, bilyon-bilyon. Tapos ito gituli nila. Wala na. So kailangan ma-restore ‘yan”, – pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte

Ayon sa Pangulo, dapat na mapanatili sa P28 billion ang hinihingi ng NTF- ELCAC na pondo para sa 2022 sa halip na tinapyasan ito ng Senate Finance na pinanununahan ni Senator Sonny Angara bilang committee chairman.

Panawagan ng Pangulo, napapanahon na upang makapagluklok ng bagong mga senador ang mga Pilipino

“Ako nagadalawang isip ko, gusto ko talagang mag-retire. Pero the things evolving now, if we go with the same kanang mga tao, ilang mindset na — wa’y mahitabo. You have to elect new leaders high time. Alisdi ninyo. Tinuod. If you elect the same, wala gyu’y mahitabo. Istorya lang na. Imbestigasyon nga walay — wala’y tunong, basta lang kumalkal diyan at makapag-ano sa — maski’g wala gud. Mangita og anomalya nga wala man pud. If there is no anomaly, they will create the anomaly for you and stretch the whole of the senate’s time for your personal appearance.”

Kahit ordinaryong tao lamang aniiya ang iluklok ng publiko, ay ayos lang, bastat magkaroon ng mga bagong lider sa Mataas na Kapulungan.

Sinabi din ng Pangulo na na nais na niyang mag-retiro sa pulitika pero dahil sa mga nangyayari  ay malabo itong magkatotoo.

More in National News

Latest News

To Top