Connect with us

Oposisyon, hinamon na tumakbo sa pagka-pangulo sa 2022 elections – Sec. Panelo

Upang MAGKAALAMAN NA!, hinamon ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang oposisyon na lumaban sa pagka-presidente sa 2022 national elections.

National News

Oposisyon, hinamon na tumakbo sa pagka-pangulo sa 2022 elections – Sec. Panelo

Upang MAGKAALAMAN NA!, hinamon ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang oposisyon na lumaban sa pagka-presidente sa 2022 national elections.

Ang hamon ni Panelo ay nang sa ganoon ay magkaalaman na kung ano ang tunay na saloobin ng mamamayang Pilipino.

Kung mananalo si Pangulong Rodrigo Duterte bilang bise presidente, sabi ni Panelo, malaking sampal aniya ito sa mga kritiko ng punong ehekutibo.

Dagdag pa ng Palace official, maituturing din na “performance test” ito lalo na sa mga kakandidatong oposisyon para sa eleksyon sa 2022.

Samantala, inihayag ni Panelo na walang masama sa ginawa ng ilang myembro ng PDP-LABAN na himukin si Pangulong Duterte na tumakbo bilang bise presidente.

Una rito, napabalitang umiikot sa hanay ng mga myembro ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan o PDP-Laban ang isang resolusyon na humihimok kay Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbong vice president sa 2022.

Ibinunyag ni House Deputy Speaker Eric Martinez  na si Energy Secretary Alfonso Cusi, vice-chairman ng ruling political party,   at lumilibot ng bansa upang konsultahin ang mga party members ukol sa resolusyon.

Nilinaw naman ni Senator Manny Pacquiao, ang siyang acting president ng PDP-Laban, walang basbas at hindi otorisado ng pamunuan ng partido ang nasabing resolusyon.

Tugon naman ni Secretary Cusi, hindi niya ito pakulo, bagkus, pinag usapan ito mismo ng ilang PDP- LABAN members.

Samantala, maliban kay Pangulong Duterte, hinimok naman si Senator Christopher Bong Go na sumabak sa pagka Presidente, pero hindi pa ito kumbinsidong tumakbo.

Sa usaping presidential race, matatandaan si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio naman ay nanguna sa survey na isinagawa ng OCTA Research ukol sa susunod na pangulong gustong iboto ng mga Pilipino.

More in National News

Latest News

To Top