Connect with us

Opisyal ng communist terrorist, huli sa Butuan City

Timbog ang isang opisyal ng communist terrorist group sa Butuan City.

Regional

Opisyal ng communist terrorist, huli sa Butuan City

Timbog ang isang opisyal ng communist terrorist group sa Butuan City.

Ayon kay PRO Caraga regional director Police Brigadier General Romeo Caramat Jr., kinilala ang nahuli na si Zalde Zalvador, alyas Jack at April at caretaker ng isang radio transmitter sa lungsod.

Si Zalvador ay Vice Commanding Officer (VCO) at Ordnance ng SRC Northland, Guerilla Front (GF) 16, Sandatahang Yunit Pampropaganda (SYP) 16C1 ng Northeastern Mindanao Regional Committee (NEMRC).

Maliban dito, gumagawa rin si Zalvador ng improvised explosive devices (IED) at kabilang sa Periodic Status Report sa unang bahagi ng 2021.

Nakuha sa kanya ang caliber .45 pistol, hand grenade, electric blasting cap, at mga dokumento.

Inihahanda na ng pulisya ang reklamong isasampa sa suspek.

More in Regional

Latest News

To Top