bb pilipinas

Opisyal na listahan ng mga kandidata para sa Bb. Pilipinas 2020, inilabas na

Showbiz

Inilabas ng opisyal na listahan ng mga beauty queen na pasok sa Binibining Pilipinas pageant 2020.
Ipinakilala ng Binibining Pilipinas Charities Incorporated (BPCI) ang 40 kandidata na magtatagisan sa iba’t ibang titulo.

Ang mga ito ay napili mula sa kabuuang 70 na mga Pinay na nag-apply para mapabilang sa pamosong kompetisyon.
Paglalaban-labanan ng mga contestants ang korona at titulo bilang BBP International, BBP Supranational, BBP Intercontinental, BBP Globe at BBP Grand International.

Ang mga magwawaging Pinay beauties ang siyang magiging pambato ng Pilipinas sa international pageants.

Ito ang kauna-unahang taon na wala na sa Binibining Pilipinas ang Miss Universe franchise na noo’y major crown ng event.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *