Connect with us

Opisyal na gumagamit ng police vehicle sa personal na lakad, gustong masampulan ng isang senador

Binalaan ni Senate President Vicente Sotto III ang mga opisyal ng gobyerno na gumagamit ng marked police vehicle bilang security escort para sa personal na pakay.

National News

Ito ay matapos mabasa ni Sotto ang twitter post ni Dating Sen. JV Ejercito na kung saan ay sinabi ng huli na nakakadismaya na may mga opisyal ng gobyerno na may kasama pang dalawang motorcycle escorts, back up at marked police vehicle para lamang pumunta ng gym at kumain ng almusal.

Sinabihan naman ito ni Sotto na ipaalam ang identity ng opisyal para magisa sa General Approriations Act Deliberations.

Sinabi naman ni Ejercito na marami pang nasa posisyon ang gumagawa ng nasabing aktibidad.

Matatandaan na sa ilalim ng Philippine National Police memorandum circular na inilabas noong 2017, maaari lamang gumamit ng marked police vehicles at motorcycle security escorts ang pangulo, vice president, senate president, speaker of the House Representatives, chief justice of the Supreme Court at iba pang otorisadong opisyal ng gobyerno at foreign delegates tuwing mayroong national event.

More in National News

To Top