Connect with us

Operasyon ng Manila Water, may bago ng concessionaire– DOJ Sec. Guevarra

Mismong si Justice Secretary Menardo Guevarra ang nagkumpirma na mayroon ng bagong concession agreement para sa operasyon ng Manila Water.

National News

Operasyon ng Manila Water, may bago ng concessionaire– DOJ Sec. Guevarra

Mismong si Justice Secretary Menardo Guevarra ang nagkumpirma na mayroon ng bagong concession agreement para sa operasyon ng water concessionaire ng Manila Water.

Kasabay anya nito ay nalagdaan na agad ang bagong concession agreement sa pagitan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) at ng nasabing water company ngayong araw.

Samantala, kinumpirma din ni Guevarra na sisimulan  namang talakayin ng government panel ang concession agreement para sa Maynilad pagkatapos ng Mahal na Araw.

Tiniyak pa ni Guevarra na ang pagpasok sa bagong kasunduan ng gobyerno sa mga water concessionaire ay makakatulong sa kapakanan ng publiko at kasama nito ang maayos na serbisyo at makatwirang singil sa mga consumers.

Matatandaang 2019 ay inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang DoJ na ireview ang concession agreements sa pagitan ng gobyerno at ng Manila Water at Maynilad Water concessioanire matapos makitaan ng problema sa umiiral na kontrata nito.

More in National News

Latest News

To Top