Kinansela na ang grand opening parade ng Panagbenga Festival sa Baguio City na nakatakda sana bukas, Pebrero 1.

Opening parade ng Panagbenga Festival, kanselado dahil sa banta ng 2019-nCoV

Regional

Kinansela na ang grand opening parade ng Panagbenga Festival sa Baguio City na nakatakda sana bukas, Pebrero 1.

Ito ay bilang preventive measure sa gitna ng banta ng 2019 novel coronavirus acute respiratory disease o 2019-nCov ARD.

Maliban sa Panagbenga opening, sinabi ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na kinansela rin ang Cordillera Regional Athletic Association (CARAA) meet at iba pang high-density population gathering activities na naka-iskedyul sa susunod na tatlong linggo ng Pebrero.

Dagdag pa ng alkalde na titingnan pa nila kung matutuloy ang Panagbenga street at float parades sa Pebrero 29 at Marso 1.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *