online resource website

‘Online resource website’ para sa mga faculty at estudyante, ilulunsad ng CHED

National News

Maglulunsad ang Commission on Higher Education (CHED) ng “online resource website” para sa mga faculty at mag-aaral sa higher education institutions (HEI).

Ang online resource website na tatawaging “Philippine CHED-Konek” ay naglalaman ng lahat ng learning materials mula sa top local at international universities at colleges.

Sinabi ni CHED Chairman Prospero De Vera na makatutulong ito sa faculties at estudyante na maka-access ng valuable learning materials na kailangan para sa blended at flexible learning sa gitna ng Covid-19 pandemic.

Magugunitang pinayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabalik-eskwela ngunit hindi maaari ang face-to-face classes hangga’t wala aniyang natutuklasang vaccine laban sa COVID-19.