Connect with us

Online lending scams, pinapaimbestigahan – Senador Sherwin Gatchalian

Online lending scams, pinapaimbestigahan – Senador Sherwin Gatchalian

National News

Online lending scams, pinapaimbestigahan – Senador Sherwin Gatchalian

Pinapaimbestigahan ni Senador Sherwin Gatchalian, vice chairperson ng senate committee on banks ang dumadaming online lending scams ng mga kumpanyang hindi sakop ng regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Securities and Exchange Commission (SEC).

Aniya, ito ay upang pag-aralan ang mga posibleng panukalang batas na magpapaigting sa mga polisiyang ipinapatupad ng mga ahensya ng gobyerno.

Maaring may kakulangang din sa polisiya ang dahilan ng pagdami ng online cash loan services na hindi lisensyadong nagpapautang.

Dapat din aniya na paulit-ulit na ipanawagan ng BSP sa publiko na huwag makipagtransaksyon sa mga ganitong klaseng pagpapautang lalo na at marahas ang pamamaraan nilang maningil.

Payo ng senador, dapat marunong kumilatis lao na kung kaduda-duda ang pamamaraan ng pagpapautang ng isang kumpanya

More in National News

Latest News

To Top