Connect with us

Online job fair na inilunsad ng DOLE, magsisimula na

Magsisimula na bukas, December 10,2020 ang online job fair na iniaalok ng Department of Labor and Employment (DOLE).

National News

Online job fair na inilunsad ng DOLE, magsisimula na

Magsisimula na bukas, December 10,2020 ang online job fair na iniaalok ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Kasabay ng paggunita kahapon para sa ika-87th anniversary ng DOLE ay inilunsad ang balik-trabaho e-jobs at ang online jobs fair ng Bureau of Local Employment (BLE) at ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) kasama ang partner agencies.

Mahigit 21,000 trabahong lokal at sa ibang bansa ang paunang i-aalok ng labor department sa online job fair.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III  na magsasagawa ang labor department ng virtual job fair system bilang pagtalima sa pagbabawal ng pamahalaan ukol sa mass gathering.

Ang pagsasagawa ng e-jobs para sa local placement ay sa pakikipagtulungan ng digital portal mynimo.com at ng Public Employment Service Offices (PESO).

Magkakaroon din ng career talk kasama ang mga employer at industry leader na naglalayong tulungan ang mga naghahanap ng trabaho na makakita ng natatanging bakanteng-trabaho, at bigyan sila ng mas malawak na pang-unawa ukol sa kultura ng bawat kompanya.

Para sa trabaho sa ibang bansa, ang mga bakante ay para sa factory worker, nurse, nursing aide, at care worker.

May bakante din para sa mga engineer, cad operator, telecommunications rigging technician, maintenance technician, carpenter, foreman, laborers, at building cleaning worker.

May alok ding trabaho para sa supervisor, physical fitness coach, cake decorator, cook, food server, restaurant worker, waiter, waitress, counter service staff, at service staff.

Umaasa ang POEA na madadagdagan pa ang mga bakanteng trabaho bago ang nakatakdang online job fair sa Disyembre 10.

Pinayuhan ni Bello ang mga naghahanap ng trabaho na maghanda ng digital copy ng kanilang resume o curriculum vitae at iba pang dokumento, tulad ng certificate of employment para sa mga dating nagtatrabaho, diploma, at transcript of records.

Para ma-access ang online job fair sa Disyembre 10 at 11, pumunta lamang ang mga aplikante sa POEA website www.poea.gov.ph

Dapat i-log-in ng aplikante ang kanilang credential sa e-registration at i-click ang pangalan ng ongoing job fair.

Ipapakita ng system ang mungkahing trabaho na tutugma sa gusto ng aplikante.

Kung interesado, dapat i-click ng aplikante ang submit button.  Ito ay awtomatikong idadagdag sa opsyong “my application”.  Para makita ang detalye ng kanilang aplikasyon, dapat i-click ng aplikante ang view button.

 

More in National News

Latest News

To Top