Connect with us

Online class, maaring masuspinde kapag may bagyo o brownout

Pinaghahandaan na ng Department of Education (DepEd) ang dry run ng blended learning  na gagawin sa unang linggo ng Agosto.  

National News

Online class, maaring masuspinde kapag may bagyo o brownout

Maari pa ring magsuspinde ng klase dahil sa sama ng panahon kahit umiiral na ang online blended learning sa bansa.

Ayon kay Department of Education (DepEd) Undersecretary Diosdado San Antonio, marami pa rin kasing aspeto na maaring maka-apekto sa pag-aaral ng mga estudyante sa pag-iral ng online classes sa Pilipinas.

Kabilang aniya rito ang pagkawala ng kuryente at mahinang internet connection bunsod ng masamang panahon.

Dagdag pa ng DepEd official, maapektuhan din kasi ng bagyo ang distance learning para sa mga estudyanteng gumagamit ng printed self-learning modules.

Nito lamang araw nang mag-trending sa twitter ang #walangpasok na panawagan ng mga online learner dahil sa sama ng panahon at mahinang internet connection.

More in National News

To Top