Connect with us

One seat apart sa pampublikong transportasyon, aprubado na

Inaprubahan na ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekumendasyon ng economic development cluster na luwagan na ang pagbiyahe ng publiko.

National News

Ito ay kasunod ng isinagawang full cabinet meeting kagabi na pinangunahan ni Pangulong Duterte upang talakayin ang mga opsyon sa pagbuhay ng ekonomiya at isyu sa transportasyon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, arpubado na ang one seat apart policy sa pampublikong transportasyon.

Unti-unti rin aniyang itatas ang kapasidad nito o papayagan na ang magkatabi sa upuan pero kailangan ay may plastic barrier.

Dagdag pa ni Roque, lalawakan na rin ang rail capacity sa 30 hanggang 50 % at lalawakan na rin ang biyahe ng mga provincial bus, motorcycle taxi, shuttles at TNVs.

Sa dating guidelines, kailangan sumunod ng mga pasahero sa one meter apart policy.

More in National News

To Top