Connect with us

OFW na nakulong ng 6 taon sa Saudi Arabia, nakauwi na sa bansa

Matapos ang mahigit  6 na taong pagkabilango, nakauwi na sa bansa ang Overseas Filipino Worker (OFW) na dating na hanay sa death row sa Saudi Arabia dahil sa alegasyong pagpatay sa kanyang amo.

National News

OFW na nakulong ng 6 taon sa Saudi Arabia, nakauwi na sa bansa

Matapos ang mahigit  6 na taong pagkabilango, nakauwi na sa bansa ang Overseas Filipino Worker (OFW) na dating na hanay sa death row sa Saudi Arabia dahil sa alegasyong pagpatay sa kanyang amo.

Ang OFW na si Rose Policarpio ay  lulan ng Philippine Airlines nang  dumating kahapon sa Ninoy Aquino International Airport Terminal -2.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) taong 2013 nang si Policarpio ay nagtrabaho sa Saudi Arabia bilang  food server.

Ilang araw  pa lamang ang Pinay worker sa naturang bansa nang kinulong ito dahil pinagbintangan na pumatay sa kanyang employer na babae .

Sa tulong ng DFA pinagkalooban ng abogado si Policarpio sa ilalim ng Legal Assistance Fund (LAF) ng ahensya.

Iginigiit ni Policarpio na  wala siyang kinalaman sa krimen at patuloy na pinaglalaban ang kanyang pagkainosente.

Sinasabing tumakas siya nung nangyari ang krimen dahil ang tunay na salarin ay nagtatangkang  gahasain siya.

Sa kalaunan nakita din ng mababang hukom  na wala ngang kasalanan si Policarpio na ang hatol ay sinang-ayunan ng Court of Appeals kaya tuluyan na itong nakalaya.

Pansamantala munang nanatili sa embahada  sa Saudi si Policarpio dahil sa lockdown bago nga ito nakauwi ng Pilipinas.

Laking pasasalamat ni Policarpio kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagutos niya kay Philippine Ambassador to Saudi Arabia Ambassador Adnan Alonto na gawin ang lahat para mapawalang sala siya dulot ng pagpatay.

More in National News

To Top