Connect with us

OCTA, nanawagan para sa muling pagpapatupad ng stay-home order sa mga menor de edad

Hinimok ni OCTA research fellow Dr. Guido David ang Inter-Agency Task Force for the management of emerging infectious diseases o IATF na ikonsidera ang muling pagpapatupad ng stay-home order sa mga bata na lumabas.

Health

OCTA, nanawagan para sa muling pagpapatupad ng stay-home order sa mga menor de edad

Hinimok ni OCTA research fellow Dr. Guido David ang Inter-Agency Task Force (IATF) na ikonsidera ang muling pagpapatupad ng stay-home order sa mga bata na lumabas.

Ito ay dahil sa banta ng higit na nakahahawang variant ng COVID-19 na Delta variant.

Binigyang halimbawa ni David ang pagkalat ng Delta variant sa United Kingdom kung saan sinabi nitong 90% ng kaso sa nasabing bansa ay puro Delta variant.

Sinabi pa ni David na posible talagang mahawaan ng Delta variant ang mga bata kaya’t nakababahala na hahayaang makalabas ang mga bata.

Hinihimok din nito ang IATF na muling ipatupad ang NCR Plus Bubble sa Metro Manila, Laguna, Rizal, Bulacan at Cavite upang mapigilan ang local transmission ng Delta variant.

More in Health

Latest News

To Top