Metro News
Number coding, suspendido muna – MMDA
Nananatiling manageable ang traffic sa EDSA ayon sa Metropolitan Manila Developpment Authority (MMDA).
Dahil dito, suspendido muna ang muling pagpapatupad ng number coding system.
“If we implement the number coding scheme now, can our public transport accommodate passengers given the minimum health protocols such as social distancing needed to be implemented?” ani Abalos.
Batay sa datos ng MMDA, nasa 399,000 na ang kabuuang bilang ng mga sasakyang bumabagtas sa EDSA.
Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, hindi pa ito umabot sa 405,000 na bilang ng mga sasakyan bago nanalasa ang pandemya sa bansa.
“Before pandemic, vehicle volume on EDSA was averaging at 405,000 but now, it is about 399,000. However, southbound travel speed is faster now at 27 kilometers per hour, compared to 11 kilometers per hour before the pandemic,” paliwanag ni Abalos.
Dahil dito, inirekomenda naman ng opisyal na iwasan muna ang pagdaan sa kahabaan ng EDSA at gamitin na muna ang bagong bukas na Mabuhay Lanes bilang alternatibong daan para hindi maabala.