Connect with us

Nueva Viscaya Governor Carlos Padilla, nagpositibo sa COVID-19

Nagpositibo sa COVID-19 si Nueva Viscaya Governor Carlos Padilla.

National News

Nueva Viscaya Governor Carlos Padilla, nagpositibo sa COVID-19

Nagpositibo sa COVID-19 si Nueva Viscaya Governor Carlos Padilla.

Kasabay ng pag-anunsyo ni Padilla, sinabi nito na nakaranas lamang siya ng mild symptoms.

Ayon sa gobernador, ngayong araw lamang lumabas ang kanyang swab test result pero tatlong araw na siya naka-quarantine sa isang pribadong ospital simula nang magpaswab.

Nanawagan nama si Padilla sa kanyang mga nakasalamuha na sumailalim sa quarantine.

Ipinag-utos din nito ang lockdown sa Nueva Vizcaya provincial capitol at Ammungan capitol grounds nito hanggang sa Abril 8 para bigyan-daan ang isasagawang disinfection.

Bukod kay Padilla, apat pang local officials sa probinsya ang tinamaan ng sakit ito ay sina Quezon, Nueva Ecija Mayor Dolores Binwag, Bambang, Mayor Pepito Balgos, Solano Vice Mayor Philip Dacayo at Aritao Vice Mayor Ruben Sayo.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top