Connect with us

 NTF, tiwala na makakamit ang 600,000 COVID-19 vaccine jabs kada araw

Tiwala ang pamunuan ng National Task Force Against COVID-19 na makakamit ang 600,000 COVID-19 vaccine jabs kada araw.

Health

 NTF, tiwala na makakamit ang 600,000 COVID-19 vaccine jabs kada araw

Tiwala ang pamunuan ng National Task Force Against  COVID-19  na makakamit ang 600,000 COVID-19 vaccine jabs kada araw.

Nitong Martes, Hulyo A-27, nakapagtala ang bansa ng 659,000 katao na nabakunahan sa isang araw, sa kauna-unahang pagkakataon, ayon kay NTF Deputy Chief Implementer Testing CZAR Sec. Vince Dizon.

Kaya naman, malaki ang pasasalamat ni Dizon sa lahat ng mga Local Government Units (LGU’s), provincial governments at mga regional office ng Department of Health (DOH) dahil sa team effort kung saan lahat nagsama-sama para maabot at malampasan pa ang target na 500,000 coronavirus shots sa isang araw.

Napakalaking kontribusyon din aniya sa  pagtataas ng jab rate ang effort ng health care workers at frontliners na walang tigil sa trabaho at tuloy-tuloy sa pagbabakuna.

Kaugnay nito, kumpyansa naman ang NTF Deputy Chief Implementer na mai-maintain ang 600,000 jabs para maging average daily administered doses.

Muli namang ipinaalala ni Dizon ang kahalagahan na mapabilis ang pagbabakuna lalo na sa mga area na mataas ang risk sa mas delikado at mas nakahahawang Delta variant.

More in Health

Latest News

To Top