Connect with us

NTF-ELCAC, nilinaw na hindi lahat ng community pantry ay inorganisa ng CPP-NPA

Nilinaw ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na hindi lahat ng community pantry ay may kabulastugang ginagawa.

National News

NTF-ELCAC, nilinaw na hindi lahat ng community pantry ay inorganisa ng CPP-NPA

Nilinaw ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na hindi lahat ng community pantry ay may kabulastugang ginagawa.

Sa panayam ng Sonshine radio, binigyang-diin ni NTF-ELCAC Spokesperson Lieutenant General Antonio Parlade Jr., na suportado nila ang inisyatibong ito para sa mamamayan.

Nag-ugat din aniya ang ginagawa nilang checking sa isang organizer ng community pantry dahil sa sumbong ng netizens.

Sa katunayan, ginagawa din nila ang kaparehong hakbang sa Lucena, Bicol at iba pang lugar kasama ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kung saan namimigay sila ng food items.

Ang problema lang aniya, kung ang hakbang na mga ito ay mahahaluan na ng ibang agenda.

Ayon pa kay Parlade, ang mga donation na hinihingi ng organizers na kaanib sa CPP-NPA ay diyan nagsisimula at napupunta sa armadong pakikibaka.

Kaugnay nito, pinaiimbestigahan ngayon ni National Security Adviser Hermogenes Esperon kung mayroong ugnayan ang ilang community pantry organizers sa legal fronts ng CPP-NPA.

Paliwanag ni Esperon, posibleng may mga tao o grupo ang may ibang agenda sa paglunsad ng community pantry matapos madiskubre na may ilang indibidwal ang nakakuha ng pulyeto na naglalaman ng anti-government propaganda mula isang community pantry.

Nilinaw naman ng opisyal na hindi pa “conclusive” ang nasabing impormasyon at nakikipag-ugnayan na ito NTF-ELCAC hinggil dito.

Iginiit naman ni Esperon na suportado nila ang ganitong mga inisyatibo at self-help community projects at sinisiguro lamang nila na hindi ito magagamit sa maling hangarin.

Sa katunayan ayon kay Esperon, hinihikayat ng pamahalaan ang bawat Pilipino na buhayin ang bayanihan at magtulungan lalo na ngayong pandemya.

 

More in National News

Latest News

To Top