NTC sinunod ABS-CBN

NTC, sinunod lang ang payo ng OSG na patawan ng closure order ang ABS-CBN

National News

Sinunod lang ng National Telecommunications Commission (NTC) ang payo ng Office of the Solicitor General (OSG). Ito ay kaugnay na dapat ipasara ang ABS-CBN dahil sa napasong prangkisa nito.

Ito ang naging sagot ng NTC sa Kamara sa ibinigay nitong ‘show cause order’ para magpaliwanag sa pagpapasara sa Kapamilya Network.

Sa reply letter ng NTC, nilinaw nito na ang naunang pahayag noong March 10 sa Kongreso. Matatandaan na nangako ang NTC na magbibigay ito ng provisional authority sa ABS-CBN.

Nilinaw din ng NTC na hindi nila intensyon na  insultuhin ang Kamara sa kanilang desisyon. Naatasan lang aniya sila na ipatupad ang batas at ipataw ang cease and desist order.

Sinabi din ng NTC na nagkaroon sila ng konsultasyon mula sa mga legal luminaries. Kasama na rito ang mga dating mahistrado ng Supreme Court, stakeholders at concerned sectors.

Dagdag din ng Komisyon na kinonsidera din nila ang babala ng OSG na mahaharap ang mga opisyal nito sa criminal prosecution kung gagawaran ng pa ang broadcast network.

Anila, sinunod lamang nila ang komento ni Solicitor General Jose Calida sa inihaing petisyon sa Korte Suprema. Batay dito, ang legal opinion ng Department of Justice, at ang posisyon ng Senado at Kamara na gawaran ang ABS-CBN ay paglabag sa Saligang-Batas.

Dagdag pa ng NTC, ang OSG ay kanilang “statutory counsel.”

Sa huli, humingi ng tawad ang NTC kung walang abiso at nabigla ang Kongreso sa kanilang desisyon laban sa ABS-CBN.