NTC, pinahinto na ang pag-ere ng mga digital channel ng ABS-CBN

NTC, pinahinto na ang pag-ere ng mga digital channel ng ABS-CBN

National News

Naglabas na ng kautusan ang National Telecommunications Commission (NTC) na nagpapatigil sa pag-ere ng mga digital channel ng ABS-CBN.

Sa inilabas na Alias Cease and Desist Order ng NTC, ipinahihinto na nito ang Digital Terrestrial Television (DTT) transmission sa Metro Manila gamit ang Channel 43.

“Upon receipt of this Order, ABS-CBN Corporation is directed to immediately cease and desist from operating digital TV Transmission in Metro Manila using Channel 43.” saad ng kautusan ng NTC.

Iginiit ng NTC sa kautusan “On 05 May 2020, this Commission issued an Order in this administrative case directing Respondent ABS-CBN Corporation to immediately cease and desist from operating radio and television stations that were granted authorization by the Commission, dute to the expiration of its legislative franchise, Republic Act. No. 7966.”

Matatandaan na mariing tinuligsa ng ilang kongresista ang patuloy na pag-ere ng mga digital channel ng ABS-CBN sa kabila ng pagkapaso ng kanilang prangkisa.

Maliban sa digital transmission ng ABS-CBN, naglabas din ng cease and desist order ang NTC sa operasyon naman ng Direct Broadcast Satellite Service ng Sky Cable Corporation na affiliate rin ng ABS-CBN Corp.

Pirmado ang kautusan nina Comm. Gamaliel Cordoba, at Deputy Commissioners Edgardo Cabarios at Delilah Deles.